www.flickr.com
Bayan Muna's photos tagged with batasan6 More of Bayan Muna's photos tagged with batasan6

Tuesday, April 18, 2006

 

Walang PAKI-, Walang-ALAM?

Paano kung wala ka nang bigas na mabili sa palengke o wala kang pambili?

Paano kung wala ka nang mabiling gasolina o krudo para sa iyong sasakyan o tumaas na naman ang presyo nito dahil sa Oil Deregulation?

At pati LPG, tumaas na rin.

Paano kung wala ka nang mabiling asukal sa merkado o kahit sa Tindahan ni Gloria?

Kahit ang arawang netong sahod ng manggagawang bukid sa Hasyenda at Azucarera ay P9.50 lang?

Paano kung wala kang mabiling isda o karne sa palengke o tumaas na naman nag presyo ng mga ito dahil sa E-VAT o R-VAT?

Paano kung wala kang pambili o wala ka nang mabiling cell card para sa cell phone mo?

Na, wala kang trabaho at naghahanap ka ng trabaho pero wala ka namang makitang trabaho?

Na, Tumaas na naman ang singil sa kuryente at tubig.

At paano kung nakapirma ka sa “People’s Initiative” ni Gloria at gusto mong bawiin ang pirma mo dahil nilinlang ka lang?

Di ba ang laking problema na nito?

Di ba dapat ka nang makialam sa mga usapin at problemang ito ng bayan?

HINDI PA RIN?


Eh paano kung giniba na o ginigiba na ang barong-barong nyo ng mga demolition crew, may kasama pang SWAT at PMG ng PNP dahil sasagasaan ng North Rail Project?

Masarap pa rin ba ang tulog mo?

Sasabihin mo kaya, Aba, hindi na tama ito!”
“Laban kung laban!”

Eh paano kung inaagawan o inaalisan ka na nang karapatang magsalita ng nasa loob mo o hinaing mo sa gubyerno?

Na-“CPR” ka na o na-Proclamation 1017 ka?

O kaya naman na-Illegal Arrest at under Arbitrary Detention ka sa Kampo Crame tulad ni Ka Bel?

Sisigaw ka na kaya ng “MAKIBAKA Huwag Matakot!”?
Ah! Siguro nga sasabihin mo na “Dapat na akong makialam!”

Sumama sa bayang sumisigaw ngayon ng:

“Uphold Civil Liberties!”

“Stop Political Persecution!”

“Never Again to Martial Law!”

May PAKI, May ALAM!

Ka Paeng Mariano

Abril 18, 2006

41 Comments:

Anonymous Anonymous said...

MAY PAKI! MAY ALAM!

Ininyerong Pilipino! Lumabas, makibaka!

MIGRANTENG Pilipino May Paki May alam!

TUNAY, PALABAN, MAKABAYAN!

PTZ_PUBLIC
(my finger is in rage! san ba pedeng mag-organize ng migranteng Pinoy dito sa seoul? May alam kayo?)

1:48 PM  
Anonymous melai said...

Sama na natin ang Singapore PTZ_Public :) nag-iisip ako kung anong batch ka sa PUP :)

2:36 PM  
Anonymous mahayag said...

Tama ka! Dapat maki alam... Lumabas at sumama sa martsa ng mamamayan sa lansangan!

3:11 PM  
Anonymous Anonymous said...

Tama ba naman na tumira ka sa Daan na di mo naman pag-aari at pag pinapaalis ka na ng Gobyerno at binibigyan ka pa ng lilipatan. Sasabihin mo "MAKIALAM" , "MAKIBAKA"..di ba nag tawag sa yo "MAKAPAL"!!!

4:01 PM  
Anonymous melai said...

lol! anonymous ..wala kasi pambili ng bahay at lupa kasi walang maibigay na maayos na trabaho....hindi gumagana ng maayos ang ahensya para sa pagbibigay ng lumang pabahay ... dahil ang mga taxes na dapat pangsuporta sa mga social services na yan e napupunta lang sa bulsa ng mga pulitiko ... alam mo ba ang istorya ni congresswoman daza ng quezon city? kung saan yung mga empleyado nya sa pribado nyang negosyo maging ang mga katulong nya sa bahay e sumasahod sa ilalim ng DPWH at MMDA? tanong mo sa XXX kung kumusta na ang pagmamanman nila.

4:14 PM  
Anonymous http://manilenya.com said...

*,murang pabahay para sa mahihirap

nagkamali lang po

4:15 PM  
Anonymous mahayag said...

Anonymous,
Una mayorya sa mga na demolish ay walang matinong relokasyon...
Kaya bumabalik ang mga tao sa gilid ng riles..
Pangalawa ang iba dinimolish wala naman relokasyon.
Kaya ang mga masa ay di na papayag na ma demolish kahit pa ang tirahan nila ay ang daang bakal o kaya sa ilalim ng tulay!
Dahil sa ganitong kalagayan ang kahirapan ang nagtulak sa mga masang anakpawis na makibaka!

4:20 PM  
Anonymous Anonymous said...

squatter sa riles dahil tinulak ng karukhaan sa kanayunan. ang sa lupain kanayunang kung hindi pinahaharian ng mga panginoong may lupa ay kinakamkam ng dayuhan (speaking of dole and del monte).

Lupa, trabaho, edukasyon, tunay na industryalisasyon!

ptz_public

5:58 PM  
Anonymous Anonymous said...

melai...

2nd half ng dekada 90.

naging tenant ng opis ng SKM, contributor ng CEA-SPECTRUM (paper ng engineering), o wag mo na akong pangalanan. tama ng mag kampi-kampi tayo dito sa blogsphere,
at i-expose ang maling argumento ng kabilang panig at higit sa lahat ipaliwanag sa kanila na nasa tamang landasin ang tinutungo ng laban ng batasan6.

ikaw din mukhang kakilala din kita...

ptz_public

8:33 PM  
Anonymous James Jayme said...

Ang mga squatter ay manipestasyon lamang ng kabulukan ng sistema sa lipunan at pamamahala. Sila'y tao rin at biktima ng kawalan ng oportunidad at serbisyo publiko. di sila ang tunay na problema. Madaming pwedeng maging salik sa manipestasyong ito tulad ng sentralisadong pagunlad ng metro manila. suma total ang sisi ay nasa gubyerno pa rin. tayo ang nagbabayd ng buwis tayo ang nagpapasakit, sila ang magsusukli ng pangungurakot, deregulasyon,pribatisasyon,liberalisasyon at kung ano ano pa na mali.

MABUHAY ang batasan 5 at si ka bel!

10:32 PM  
Anonymous Anonymous said...

hello, kaps, kumusta po?

natatandaan mo pa ba ang house mate mo sa genetically modified corn?

at yung aking favorite na sparing partner na si Malaki Mata?

busy lang, hindi makadalaw...

yours truly po --- dyesebel...

2:22 AM  
Anonymous amberashes said...

dyesebel,

dami ka na utang kay kaps. Pag dumalaw ka dito, punuin mo kwarto nila pagkain ha para kaming mga driver ng piston makatamasa rin ng grasya mula sa iyo.

taga sangandaan po. Pero against din sa GMO.

4:38 AM  
Anonymous bell said...

sinabi ng makialam bago magpost dito, post pa rin ng post ng hindi muna nakialam. Ang kapal talaga. Makapal-Arroyo!

5:12 AM  
Anonymous Lumad-sa-Mindanao said...

Makapal-Arroyo? Sabi nung isang friend ko na taga Mindanao, "Makatagal-Arroyo."

Patagalan sa puwesto. Yun nga.

5:53 AM  
Anonymous Anonymous said...

Corrupt na nga ang Gobyerno, pati ba naman tayo gusto pa rin natin maging corrupt..titira ka sa di mo lupa at aariin mo..di ba corruption din yun. Oo nga mahirap ka pero wag mo naman pigilan pati proyekto para sa bayan.. Di lumipat ka dun sa relokasyon..ngayon pagpasensyahan mu na yun..atleast pwede mo na sabihin na sa iyo na yun..

10:36 AM  
Anonymous Anonymous said...

sa yaman ng Pinas, kayang kayang patayuan ng bahay bawat pamilya. ang problema ay lahat ng ganansiya mula sa Malampaya napunta sa Shell at Texaco. Alam mo bang 400 na katao lamang ang nakinabang mula sa pagputol ng puno ng lahat halos ng kagubatan ng Pilipinas? Eh, sino ba ang nagbigay sa kanila nito? Ang diyos? Hindi po; yung corrupt na gobyerno rin na kontrolado nila.

11:15 AM  
Anonymous Anonymous said...

Paano nga tayo uunlad? Di ba kaya pinapalipat ng tirahan para buhayin ang dating riles, para bumilis ang transportasyon.
Di ba kailangan timbangin ang pakinabang ng nakakarami kontra sa iilang pamilya na matagal na rin nakinabang sa lupa na di naman sa kanila.

1:50 PM  
Anonymous Anonymous said...

hi to the batasan 6:

continue the fight! we are always supporting you..gabnet here in the us is launching a petition to support liza maza and raising $ to send lawyers there in the philippines...what other support do you want from filipino workers here in l.a.? can we launch a petition to support the other members of the batasan 6?

from your friends and supporters from the filipino workers community in los angeles, california composed mostly of caregivers...

3:25 PM  
Blogger Hawaiianguy said...

To Anonymous (caregivers et al),

Your action is commendable. Keep up the good work in LA and make a difference in the life of Pinoys in Pinas.

May your tribe increase!

3:49 PM  
Anonymous ilangq said...

Hi ka paeng!

Kamusta? Pasensya na at di ko pa kayo nabibisita dyan sa batasan. Actually hinihintay ko talaga na mag-post kayo dito sa blog nyo. Ang ganda ng tula ninyo. Paki-kumusta na lang din ako kay ka lita. Mabuhay kayo. Di naman makapapayag ang taumbayan na makulong kayo. Patuloy ang laban sa katarungan at kalayaan para sa lahat!:)

Ilang Quijano

7:02 PM  
Blogger ptz821 said...

to anonymous na pinag-iinitan ang ang issue ng riles at mga squatter.

una pakisagot muna kung ano ang nagtulak sa mga squatter sa riles.

ang babaw naman yata ng argumentong uunlad ang pilipinas kung may efficient na transportasyon ng tren. ang northrail project ay utang. utang sa bansang china. paano babayaran ng pilipinas yun? pagbibigyan kita sa argumento na babawiin naman yun sa pamamagitan ng pagsingil ng pamasahe. nino? ng commuter syempre at ng mga kargamento, natural. 1. ang tao ay walang kakayahang magbayad ng pamasahe sa pribadong tren na bilyun-bilyung $ ang puhunan sa loob ng 2o taon, dahil... ang tao ay walang hanapbuhay na pagkukunan ng pamasahe. 2. walang isasakay na kargamento dahil wala namanng pabrikang (nakapalibot sa bulacan, caloocan, pampangga zambales at bataan) may kakayahang magexport na produktong gawang pinas papuntang europa, asia at amerika dahil sa liberalisyon at deregulasyon na pinalala pa ng pag-anib ng pilipinas sa WTO. anonymous, kapag may nakita akong kelvinator or condura or promac or daichi speaker or bioderm or beam or hapee or zesto sa mga tindahan na napuntahan ko sa japan, sa korea at pupuntahan ko sa germany, sa england at sa saudi, sasamahan kita na ipetition madaliin ang paggawa ng northrail project. alam mo bang ang mga riles ng tren sa japan at korea ay napapalibutan ng mga pabrika dahil ang tren ay syang pinaka episyenteng at murang moda ng trasportasyon ng mga produktong sariling gawa. meron ba tayo nun? ng mga pabrika.

pangalawa pakisagot din muna kung ano ang nagtulak sa mga squatter na mag squat. edi dahil walang hanapbuhay sa kanayunan, na pinalala ng kawalan ng lupang sasakahin, walang industrialisasyon nagaganap sa kanayunan para magbigay ng trabaho sa mga tao dun.

ang punto ng BM ay lupa, trabaho, edukasyon, industriyalisayon... hindi pribatisasyon, deregulasyon.

sabihin ko syo ano ang basehan ng pag-unlad ng isang bansa mula sa obserbasyon ng isang migranteng ininyerong pilipino sa mga bansang maunlad.

nationalization ng:
1. industriya ng pagmimina
2. industriya ng bakal (hindi ito simpleng bote dyaryo kundi yung smelting at foundry na raw material sa paggawa ng barko, makinarya, tren (uyyy paborito mong sasakyan) sasakyan at mga istraktura)
3. industriya ng enerhiya (kuryente at langis, sa wikang teknokrat, upstream at downstream mula sa refinement, generation hanggang distribution)
4. industriya ng kemikal (hindi to yung mga acetone sa manicure or pedicure kundi ng mga fertilizer, ethylene, polyethelyn glycol etc mga raw material ng iba pang pabrika, downstream ulit)

bigyan kita ng presyo ng midsize na pabrika ng isa sa mga nabanggit ko sa taas... $300~400 Million US, bigyan kita ng ideya kung magkano ang kontribusyon ng mga migranteng pilipino taun-taon, approximately 10B USD (next year mismong census at central bank ang nagsabi na aabot ito ng 12B USD)... ibig sabihin ang pera ng migranteng pinoy na pinagsama-sama, ay kayang pomondo ng 1 hanggang 3 basehang industriya kagaya sa taas.

ito sabihin ko syo, papayag akong umuwi sa Pnas kahit bukas din (multiple entry visa ako noh dito sa kinalalagyan ko, yabang no?) at magtrabaho sa isang nationalize refinery (gaya ng petron dyan sa bataan) na walang increase sa loob ng 5 taon ang sahod (sa sahod na 10T buwan buwan) tanggapin mo lang ang katotohanang isang atrsadong agrikultura, walang industriy ang ekonomiya ng Pnas sa nagdaang 60 taon, at hindi tren na katulad ng northrail project at lalong hindi chacha ang solusyon sa ekonomiya natin ngayon, kundi.

LUPA, EDUKASYON, TRABAHO AT TUNAY NA INDUSTRALISYON... di ba yan ang pinaglalaban ng Batasab6?

ptz_public

8:35 PM  
Blogger wimdc said...

Naging blogger na pala si Ka Paeng. Mabuhay kayo!

11:51 PM  
Anonymous gabnet member said...

Hello po:

For anonymous who mentioned GABNet:

Pasensiya sa Tagalog ko. Born in the USA po ako. I just want na sabihing daladala po ng GABNet ang Batasan 6 plus the rest of those charged with rebellion; Cong. Liza po is like the tip of the wedge but bitbit po lahat. Ate Tita Lubi is also always mentioned by name. Kasi po ay women's organization kami. This does not mean we don't welcome any help. Mahal po namin ang lahat ng peoples orgs and leaders. As they say, the more the merrier.

12:10 AM  
Anonymous Anonymous said...

To Ptz_publicwindow,

Ang dami mo namang sinabi, tinatanong ko lang kung hindi ba corruption din na aariin mo and hindi sa iyo at pag-bibigyan ka ng alternatibo ay ikaw pa aayaw.. di ba galit kayo sa corruption? Di ko naman sinabi na kapag nagkaroon ka ng tren ay maunlad ka na, pero ang sinasabi ko magiging mabilis ang transportasyon para sa kapanan din ng nakakarami..

10:42 AM  
Anonymous Anonymous said...

Ikaw nga, magtatayo ka ba ng factory na laging may welga at laging humihingi ng taas na sahod kada May 1? E di duon ka na sa China magtayo, walang rally libre pa lupa at factory building at mababa pa ang labor cost.

10:48 AM  
Anonymous Anonymous said...

to 2 anonymous na pumuna sa sinabi ni ptz public.

kaya nyo ba yung argumento ni ptz public. sagutin nyo point blank, hindi ung pero kayo general statement.

nag aantay ang madlang blog people sa counter argument nyo... sige na sagot ng mas mabigat. bigay kayo ng alternatib sa sinabi nya.

or baka naman bankrupt yang advocacy nyo.

ano ang sagot nyo sa conunter reply na 1 at 2 nya. at ano ang alternatib nyong paggamitan ng 10B plus USD na remittance ng mga OFW.

aber... ano?

saka pakilala kayo.

ako si toink, graduate na walang makuhang trabaho sa ngayon, BSChem engineering, board passer, nag-iisip kung mag ca-call center na lang dahil wala ung mga industry na sinabi ni ptz public.

toink!

11:29 AM  
Anonymous John Gabriel said...

aha! sureness na itoh!!! si pinoy na may kala mo simplistikong pagtatanong na lambat-bitag ang moda hinggil sa pork barrel ay ang dakilang Noli Me Tangere na nanahimik na.... hwekhwek hwek.

sorry na lang dodong.

1:13 PM  
Blogger Hawaiianguy said...

John,

Ok yung analysis mo. Ganyan din ang tingin ko kay Pinoy at Noli. Parang Dr. Jekyl at Sister Hyde (o kaya ay Dr. Jekyl at Dr. Noli). May posting ako dito dun sa kabila.

Hirap talaga i defend yung indefensible position, hahahaha!

10:12 PM  
Anonymous Anonymous said...

Existing laws are very clear: Squatters occupying the right-of-way of government infrastructure projects, like railways, highways and streets, buildings and the banks of rivers and creeks, can be ejected summarily and are not entitled to relocation or financial help from the government.

1:28 PM  
Anonymous Anonymous said...

Hoy Toink,
Pagbuthin mo paghahanap ng trabaho, wag kase puro blog ang inaatupag mo at kapag wala kang makitang trabaho eh gobyerno sisihin mo. Alam mo sipag at tyaga yan ang paraan para makahanap ka ng trabaho.
Ako nasa abroad, graduate ako BSECE, nagstart din ako technician pero ngayon engineer sa ibang bansa kumikita ng P80,000 a month pero nagstart din ako sa mababang position. Oo, marami pang dapat gawin sa Gobyerno pero huwag puro gobyerno sisihin mo kapag di ka makahanap ng trabaho, on the first place bakit chemical engineering ang kinuha mo alam mo naman mahirap makahanap ng trabaho yang ganyang kurso.
Dito sa abroad mga tao hindi umaasa sa gobyerno nila masyado kase kahit saan naman meron corruption, instead sila mismo gumagawa ng paraan. Mga chinese matitipid at mahilig mag-business at maganda ang work ethics. Nagtrabaho ako ng 10 yrs sa pinas, sa maliit na factory lang ang dami ng politika at pasipsipan.Dito hindi mo yun makikita. Kaya dapat sa tin din magsimula ang pagbabago, yun lang ang paraan para umunlad ang pilipinas.

1:43 PM  
Anonymous Anonymous said...

GAGO! kelan pa naging obligasyon ng gobyerno bigyan ng bahay ang mga tao?

ang hirap sa inyong mga pulpol lalo na mga ogag na liders niyo ASA kayo lahat sa gobyerno ng pangangailangan niyo.

kaya nga kumandidato mga kupal na yan e. ASA sa kaban ng bayan para sa kanilang pambayad sa mga hinahakot nilang mga bayarang tao (kung tawagi'y MASA). Ginagago niyo ang mga taong dukha na di makaintindi.

kung kayo intention niyo, magbitiw na lang kayo at mamundok, don kayo bagay para wala kayo napiperwisyong ibang tao.

TANGINA NIYO!

KAYA DI TAYO UMASENSO DAHIL SA PANGGUGULO NIYONG MGA KUPAL KAYO!

IKULONG ANG MGA MILITANTENG GRUPO!

IBAGSAK ANG KOMUNISMO SA KONGRESO!

IBAGSAK ANG MGA MUKHANG PERANG BATASAN 6!

1:47 PM  
Anonymous johndoe said...

totoo ba yung sabi sa hindi obligasyon ng gobyerno bigyan ng bahay ang tao?

Sa pagkakaalam ko, ang ideyang yan ay umiiral noon pang nagbahag pa ang mga tao, noong panahon na wala pang gobyerno.

Noong unang lumitaw ang gobyerno sa kasaysayan sa panahon lipunang alipin, umiiral ang pag-iisip na ang gobyerno ay para lang mangolekta ng buwis na gastusin sa mga gyera at luho ng emperador. Pero nang umunlad na ang kaalaman ng tao, nakita na isa sa mga dapat atupagin ng gobyerno ay ang pagbibigay ng batayang serbisyo. Ang programang pabahay para sa mga mahihirap ay isang pagtitiyak na ang ating buwis na binabayad sa gobyero ay ginasto ng maayos at sa makabuluhang layunin.

Batayang serbisyo ba ang pabahay?

Sa mga mauunlad na bansa sa Kanluran, lalo na yung mga welfare states, mayroon silang benepisyong pabahay para sa mga hindi makakayang magbahay.

Ikaw anonymous, how did you become an engineer without knowing this?

Dahil wala kang paki at wala kang . . . . ?

May god bless your soul!

12:41 AM  
Blogger ptz821 said...

to anonymous na ECE grad.

"Hoy Toink,
Pagbuthin mo paghahanap ng trabaho, wag kase puro blog ang inaatupag mo at kapag wala kang makitang trabaho eh gobyerno sisihin mo. Alam mo sipag at tyaga yan ang paraan para makahanap ka ng trabaho."

abay maswerte ka at nakapagtrabaho ka sa pabrika noong una. hindi pa ba tanda ng pagiging masipag at tyaga ang pagtatapos ng engineering at pagpasa sa board exam? palagay ko nahagip lang nya ang blog ng batasan sa pagahahanap ng trabaho sa internet. sumagot / nagpost pa ba sya para sabihin nating "blog-ng-blog"? pag nabigyan ng pera yun ng empleyado nyang tatay or magulang magpopost ulit yun kapag nabasa ang sagot mo. bakit hindi gubyerno ang dapat sisihin? kung ang gubyerno ba may policy na magtayo ng mga basehang industry eh di sana sunod-sunod ang employment ng mga graduate ng engieering ikaw na mismo nasa abroad eh, kung tumayo sana ang gubyerno sa prinsipyong hindi dapat ini-import ang mga kemikal, plastic eh di sana mayrun ng mga pabrika ng kemikal sa atin na magbibigay trabaho dun sa bata at sayo rin malay mo.

"Ako nasa abroad, graduate ako BSECE, nagstart din ako technician pero ngayon engineer sa ibang bansa kumikita ng P80,000 a month pero nagstart din ako sa mababang position."

abay maswerte ka talaga! laki nyan ah! may anak ka? ilan? isa? okey lang yan... na-mi-miss mo? inabutan mo ba ang first step nya? yung first set ng ipin nakitang mong tumobo? unang punta sa dentista kasama ka para mag-assure sa kanya na okey lang ang lahat kasi nasa tabi ka nya? unang araw sa school kasama ka? laki ng kita mo noh? magkano kaya ang bayad para i-rewind ang panahon para masaksihan mo lahat yun? ako rin rin OFW, mas malaki kesa kita mo, pero anong gagawin ko sa pera ko pag-uwi ko hindi ako kilala ng anak ko? gets mo pinupunto ko? baka naluluha ka na nyan, tibayan mo, inaasahan ka ng mga nasa pilinas n mga anak, asawa, kapatid at mga magulang.

"Oo, marami pang dapat gawin sa Gobyerno pero huwag puro gobyerno sisihin mo kapag di ka makahanap ng trabaho"

sinong sisihin ko? mga kapitalistang pinoy gaya nina gatchalian, gokongwei, sy, tan, concepcion, soriano, ayala, jacinto, lopez, sumulong, cojuangco? eh kahit sila hindi makapag tayo ng mga basehang pabrika dahil sa uneven competition galing sa mga imported at kawalang proteksyon at garantiya para sa kanila para mabawi ang gastos nila at ng makapag bigay empleyo sa ating mga engineer. opo, engineer din po ako. wala akong ibang nakikita na dapat sisihin kundi ang mga gubyernong dumaan sa loob ng 60 taon.

"on the first place bakit chemical engineering ang kinuha mo alam mo naman mahirap makahanap ng trabaho yang ganyang kurso."

at sisihin pa ang bata kung bakit yun ang kinuhang kurso. eh bakit ikaw di ka nag nurse? mas madaling makakuha ng trabaho sa abroad yun.

"Dito sa abroad mga tao hindi umaasa sa gobyerno nila masyado kase kahit saan naman meron corruption, instead sila mismo gumagawa ng paraan."

Ay talaga? ganun. mali yata ang narinig kung balita na ang mga magsasakang amerikano ay nag aalburoto dahil tangkang bawasan/alisan ng subsidy ng gubyerno nila. mali rin yata yung balita na nag rali ang mga matatandang pranses dahil babawasan ang social security nila. mali rin ang balita ko na pumapangit na ang serbisyong medikal sa US kasi binabawasan na ang gastusin para sa mga ospital.
In the same breath, sa logic na "Dito sa abroad mga tao hindi umaasa sa gobyerno nila" sa pagkaka-alam ko isa sa magagandang benepisyo ng mamamayan sa europa ay socialized na ospital, public education etc. di ko alam na private pala yun mula sa obserbasyon mo.

Nakakalito lang tong buong statement na to..."Dito sa abroad mga tao hindi umaasa sa gobyerno nila masyado kase kahit saan naman meron corruption, instead sila mismo gumagawa ng paraan."

ano ibig sabihin ng "instead sila mismo gumagawa ng paraan." anong paraan yun aber? ang gamutin ang sarili mo sa kusina? ang turuan mo ng algebra,calculus, social studies, language, practical arts ang mga anak mo sa bahay mo lang at hindi sa school?

"Mga chinese matitipid at mahilig mag-business at maganda ang work ethics." no comment, bow.

"Nagtrabaho ako ng 10 yrs sa pinas, sa maliit na factory lang ang dami ng politika at pasipsipan." buti naman at nakahanap ka noon ng panahon mo. tanong ko lang kahit ba ma-pulitika sa trabaho basta maayos ang pasweldo aalis ka pa rin ng Pnas?

"Dito hindi mo yun makikita. Kaya dapat sa tin din magsimula ang pagbabago, yun lang ang paraan para umunlad ang pilipinas."

hay naku gasgas na linya...

dalawa tatlong generation na ng OFW mula ng unang bugso natin sa middle east dahil kay Ople, ganyan na ang linya ng mga self-proclaimed singular savior ng pilipinas.

i-narate ko syo ang cycle ng OFW mula 1977 (unang naisip ni Blas Ople ang magpadala ng mga unemployed pinoys sa ibang bansa para may makapag bigay trabaho of course, saka i-diffuse ang tension ng mga unemplyoed noon na handa ng magwelga laban sa rehimen ni makoy).

1st generation (late 1970's)malamang kilala mo sila, mga uncle mo or even perhaps tatay mo.

1980's since natustusan ang pag-aaral ng mga anak ng mga Saudi boys (yes yun ang puntahan ng mga OFW noon) nakatapos ng college ang sa kalagitnaan ng dekada 80.

unang tanong. bukod sa pagpapaaral sa mga anak ng 1st generation OFW anong investment para sa negosyo ang nagawa ng 1st Generation OFW? dyip? bakery? okey good... kahit papaano nakapag employ sila ng tao... nabago ba ng perang galing sa remittance ang ekonomiya ng bansa noong 1980's na galing sa ipon, pawis, luha, at dugo ng mga 1st generation OFW's? san napunta ang remittance nila? bukod sa personal na gamit para paaralin ang kanilang mga anak?

2nd generation OFW, kilala mo rin sya... mga pinsan mong nakakatanda kuya mo or perhaps ikaw na rin to... cge tuloy tayo sa linyang magsimula sa sarili, tulungan ang pamilya, well good! tumatanda na ang father nyo na nag abroad ng ilang taon. take note... sa panahon na to hindi lang father ang nag-o-ofw kundi mga mother and ate's na rin. okey nag-invest ulit galing sa remittance, nagpaaral ng mga kapatid, nagpa-aral ng anak, maliit na negosyo, traysikel, dyip bakery, papasok na ang dekada 90... anong nangyari sa investment ng 2nd generation? napa angat ba ang ekonomiya? baka yung OFW's unti-unti ng nagiging "apple in the eye" ng gov't natin dahil malaki na ang ambag "daw" sa ekonomiya. pero saan? nasaan yung amabag nayun? nalumpo nat nagkasakit si tatay, si kuya, si uncle, si auntie, si ate... ganun pa rin ang pnas... well good dahil yung angkan nyo nagkabahay, napa-patapos ng kolehiyo... walang pangit dun... pero nasan ang pagunlad noong dekada 80 galing sa remittance ng OFW?

3rd generation, malamang ikaw na to, later part cguro ng 3rd generation ako na rin cguro yun... diretsahin ko na... anong investment ba ang gagawin mula sa perang naipon ko mula sa pawis, dugo, hirap, lungkot, pangungutya ng ibang lahi, para sa susunod na 20 taon sa Pilinas na ako mananatili, makikitang ang mga anak ko hindi rin magiging OFW?

anonymous, sino bang gusto mong sisihin ko? mula sa tatay, uncle, kuya, nanay, ate, ako, ikaw, natin, tayong mga OFW ay nag sipag abroad na at sinabing mag-simula sa sarili para makapag unlad ang bansang pilipinas nakikita ko bang uunlad tayo? HINDI!

kasi ang gubyerno natin, ginagatasan ang OFW para lang lumutang ang ekonomiya natin!

anong alternative?

gusto mo maginvest? simulan natin bilang individual na OFW na gustong mag-invest sa Pnas, cge, invest tayo sa mga naka lista sa stock exchange. pero di nga makausad ang kompanyang pinoy dahil sa unfair competition, walang protection, walang heavy industry, walang consistency, walang continuity ng industrialization. worst... globalization, unfair trade... worst walang policy ng national industrialization.

and WORST... inaasahan ko na rin ang mga anak ko magiging OFW rin!!!

tsk...tsk...tsk, a nation of remittances, HANGGANG GANYAN NA LANG BA TAYO.

Bagguhin ang sarili, yes, baguhin, ibahin ang pananaw na sa sarili lang magmumula ang pagbabago, kundi sa PINAGBUKLODBUKLOD NA MGA SARILI!

Laban ng Batasan6, LABAN NG OFW!
Pandarahas sa Batasan6, PANDARAHAS SA OFW!

MIGRANTE! MAKI-ALAM!
MIGRANTE! MAKIBAKA!
MIGRANTE! LUMALABAN!

2:26 AM  
Blogger ptz821 said...

nakalimutan ko idagdag anonymous na ECE.

nabasa mo na ba ang tula ni Albert Einstein tungkol sa social change and science working for the people?

di ka makapaniwala ano? yesss si dakilang einstein ay socialist, he believes in equality lalo na ng application ng science para i-uplift ang dignidad ng tao across beliefs and ideology.

Please read, hanapin mo, namnamin mo bawat stanza,... para sa ating mga engineers, scientist and technologist yun.

heto ang huling linya dun sa tula nya... i-excerpt ko syo, sana tama ang pagkakaquote ko.

"... Man can find fullfillment in life, only if he devotes himself to SOCIETY"

sa mga nakabasa na, paki-buo ng tula at paki-correct, kung may mali sa excerpt.

SCIENCE FOR THE PEOPLE!!!

Assault to Batasan6 is Assault to Phillipine Science Advancement!

Assault to Batasan6 is Assault to Filipino Scientist, Engineers and Technologist!

Scientist! Engineers! Technologist! MAKI-ALAM! MAKIBAKA!

3:02 AM  
Anonymous jhay said...

Kasama ang mga mag-aaral at kabataan!

Nag-aaral, nakikialam, lumalaban!

9:31 AM  
Anonymous Anonymous said...

HELLO ,,, anonymous din ako
na sasagot sa mga bastos na
kacheapan at eto ang sinabi niya

Anonymous said... GAGO! kelan pa naging obligasyon ng gobyerno bigyan ng bahay ang mga tao?
ang hirap sa inyong mga pulpol lalo na mga ogag na liders niyo ASA kayo lahat sa gobyerno ng pangangailangan niyo.

Ang sagot ko (dahil magalang ako
at may katwiran) ay sumangguni
ka sa

http://www.unhchr.ch/html/menu6/2/fs21.htm

at nandyan lahat ng mga housing
rights na binaboy ng gobyerno---
international obligations na
pinirmahan mismo ng permanent
representatives ng Pilipinas
sa United Nations

huwag ka magmumura, bad yan
magagalit sa iyo si baby jesus

4:18 PM  
Blogger Hawaiianguy said...

May I come in? Sorry, hindi naman po siguro masama na magbigay din ng opinyon dito tungkol sa pagbigay ng bahay sa mga pilipino.

Dun kay anonoymous na nagsabi ng "gago, kailan pa naging obligasyon ng gobyerno ang magbigay ng bahay sa tao?"

Eh ano po yung nalagay sa newspaper last week na pag-inaugurate ni GMA sa isang government funded military housing? At ano po rin ba yung dapat gawin ng National Housing Authority Administration?

At maging ang mga pribadong sector na gustong mg proyecto sa housing, tulad ng Couples for Christ, eh ang gobyerno ay nagbibigay din ng financial support kahit kunti. Pati na rin po yung project ni US Pres. Jimmy Carter na housing para sa ating mga Pinoy, eh hindi naman pwedeng wala silang suporta kahit katiting sa ating gobyerno.

Pardon me for saying this: ALL GOVERNMENTS ARE OBLIGED to provide for their citizens basic social services like health, education, housing, etc. as a matter of mandated duties, and in keeping with the accepted covenant between the state and its citizens. A government that reneges on its fundamental obligations has no reason to exist.

Mabuti po siguro i check muna natin ang mga information bago tayo magmura sa ating kapwa. Yun lang po.

12:53 AM  
Anonymous Anonymous said...

Ptz_publicwindow,

Kung nahihirapan ka sa abroad at namimiss mo ang family mo umuwi ka ng Pinas. Wala naman nagbabawal sa iyo..ngayon kung gusto mo manatili dyan, huwag kang malitanya ng hirap kase pinili mo yan eh di ba? Ako nasa abroad kase naniniwala ako na na mas kailan ko buhayin ang family ko kesa nakikita ko nga tubuan ng ngipin ang anak ko pero masakit naman ang tiyan nya dahil ala makain. Tsaka internet age naman na ngayon, everyday ko naman nakikita sila thru PC, for me enough na yun. Anyway, magkaiba tayo siguro ng tingin sa ganun kaya huwag mo na ko kulitin na gayahin ang perspective mo sa buhay. Inuulit ko lang na huwag natin iaasa sa lahat gobyerno mga buhay natin kase may magagawa pa naman tayo. Nung bata ako nasa squatter din kami pero dahil nagsipag ang tatay ko kahit ala natapos nakaalis din kami dun at naka-graduate nga ako ng ECE. Okey, sige na tuligsain mo na lahat ng sinabi ko dito..hehehe.

2:38 PM  
Blogger ptz821 said...

to anonymous na nagcomment sa post ko tungkol sa buhay OFW.

mabuhay ka!

ang punto mo ay syang pinaka punto ko. at pumupugay ako syo dahil kaya mong tiisin ang mahiwlay sa mga mahal sa buhay mabigyang raos lang ang hirap ang mga naiwang pamilya.

pero wala ka pang binibigay na alternatib na syang pinaka punto ng argumento ko. pakibigay po ng alternatib at ng tayong mga oFW ay makauwi na at makapiling ang mga pamilya natin.

at wala ka ding analysis kung bakit humantong sa ganitong sitwasyon ang bayan natin.

wala akong karapatang tuligsain ang opinyon mo tungkol sa pagtanggap mo sa set-up mo with your family para di mo sila ma miss sa pinakamabisang paraan ngayon, na sya namang dapat wag tayong magpaka-senti kung nasa abroad kundi di tayo makaka adopt. alam nating mga OFW yun.

pero chinachalenge kita na magbigay ng analysis kung anong dahilan at nagkaganito tayo. at kung san napunta ang mga remittances na sinasabi nating syang aahon sa pilipinas noong 1970's, 80's, 90's at ngayong unang dekada ng 21st century.

since gusto mong ulitin na wag iasa sa gubyerno ang lahat,

chinachallenge din kita na magbigay ng alternative para sa ating mga OFW at jung anong panukala mo para matigil na ang exodus ng mga pilipino papuntang ibang bansa.

baka sa yo manggaling ang magandang ideya para tayo umunlad hindi lang bilang individual (or pamilya lang) kundi buong bansa. asahan mong ipagtatanggol ko yun sa mga magiging kritiko mo kpag naipaliwanag mong lahat samin.

4:24 PM  
Anonymous Anonymous said...

it's gettin hot in here ah at may palaaway at nagmumura pa!

isa po akong advertising executive at kumportableng namumuhay sa aking middle class existence pero may pakialam po ako sa nangyayari sa bansa ko. malaki po ang binabayad kong buwis, in fact to the tune of 35k a month. may karapatan akong magdemand ng magandang pamamalakad sa gubyernong ito kase pasuweldo ko sila. pinagod nila ko magpa-rehistro at bumoto tapos nandaya naman ito si gloria.
responsibilidad ng gubyerno ang pabahay, healthcare, edukasyon at madami pang iba. kung di ito responsibilidad ng gubyerno, walang dahilan para umupo sila sa pwesto mga bwiset sila. wala ding dahilan para gatasan nila ako ng 35k buwan-buwan, na sapat na ipasweldo sa 2 call center agents. halos makuba ako sa kakatrabaho tapos knukuha ng gubyernong ito ang pwera ko sa ayaw ko at sa gs2. maski nga pagkain ko sa isang buwan di man lang umaabot ng 10k no!
at anak ako ng isang nurse na kandakuba sa kakatrabaho sa abroad. choice ba nya na iwanan kmeng 2 byutipul girls nya? hinde. s2 kame alagaan ng nanay ko lalo at wala kmeng tatay. kaya lang titirik mata namen sa gutom kung aasahan namen ang sweldo nya sa ospital kasama pa yung raket sa pagtuturo. 51 na ang nanay ko. di makauwi dahil walang hanapbuhay dito at nagiipon pa din para sa pagtanda nya. isa sa de primerang export ng gubyernong ito ang nanay ko. ang nanay ko export, katabi ng nata de coco, mangga at kung ano pa man na ineekport ng bansang ito.
so pwede ba akong hindi makialam?

1:06 PM  
Anonymous johndoe said...

anonymous,

Welcome na welcome ka dito sa MAKI-ALAM Club, Batasan Chapter! Halika pasok ka at upo ka dito. Dito o! Ano gusto mo? Nestea o Mango juice?

Ay sori. Wala po pala kaming Nestea dahil boycott kami doon.

7:36 PM  

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home